Abante Tonite Interactive

KTV bar sex den sa Makati sinara na

0 295

Pinasara na kahapon ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang KTV bar sa isang hotel matapos maaresto ang dalawang Taiwanese national na nag-operate ng prostitution den sa lungsod.

Ayon sa Makati Business Permit and Licensing Office, isinilbi ang closure order matapos lumabag ang may-ari ng bar sa anti-trafficking in person act at kawalan ng business permit dakong alas-11:00 ng umaga.

Bukod sa mga may-ari na sina Shih Fang Chen at Po Yi Chen ay ina­resto rin ang 15 Chinese customer­ ng bar na pawang mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Ope­rator o POGO at 11 babaeng Pinay na mga empleyado ng bar.

Nauna nang sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang 101 KTV bar sa SR Makati Palace Hotel sa Burgos St., Brgy. Poblacion.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ang pagsasara sa nasabing bar ay bunsod na rin ng pag-ooperate nito nang walang kaukulang business permit.

Ang 11 kababaihang Pinay na nasagip ay dinala na sa tanggapan­ ng Department of Social Welfare­ and Development (DSWD). ­(Armida Rico)