Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kubrador ng jueteng inaresto

0 187

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District – Police Station 1 ang isang kubrador ng `easy two’ o jueteng sa isinagawang operasyon kamakalawa ng tanghali sa Balut, Tondo.

Nakumpiska sa suspek na si Eduardo Nebreja y Rodriguez, 58, sidecar boy at taga- 2300 Simeon De Jesus Balut, Tondo Maynila ang kanyang kubransa, ballpen at P1,120 bet money.

Alas-12:30 ng tanghali nang arestuhin ng mga pulis sa MPD-PS1 ang suspek na aktong nangungubra.

Hindi naman naaresto ng pulisya ang tumataya sa biktima nang agad itong nagtatakbo.

Nalaman na ang resulta ng iligal na sugal na easy two ay ibinabase sa dalawang nanalong numero sa lotto pero di pa inaawtorisa ang operasyon nito sa Metro Manila dahil nasa ilalim pa ng MECQ kaya itinuturing na iligal ang ginagawa ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.