Abante Tonite Interactive

Kudeta sa Kamara, posible — Koko

0 344

Hindi umano maiiwasan magkaroon ng kudeta sa Kamara maging sa Senado man, ayon kay Senador Aqui­lino ‘Koko’ Pimentel.

Ginawa ni Pimentel ang reaksiyon kasunod nang pahayag Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte hinggil sa posi­bilidad na magkaroon ng kudeta sa eleksiyon sa bagong House Speaker sa Hul­yo 22.

“Ang mga coup hindi ina-announce ha. Ewan ko kung mayroong announced coup…” sabi ni Pimentel, pangulo ng PDP-Laban.

“Basta always a possibility ‘yan ‘di ba kahit dito sa Senate… nangyari na yata dito ‘yan,” dagdag pa nito.

Pero agad kumabig si Pimentel na malabong magkaroon ng kudeta sa ilalim ng pamumuno ni Senador Vicente Sotto III bilang Senate President.

“Not under the Sotto regime. Basta theoretically, everything is possible,” sambit pa nito.

Naunang nang sinabi ni Pulong na nakatanggap siya ng ulat isa sa tatlong kandidato sa pagka-House Speaker ay nagbabalak na magkudeta sa Hulyo 22. (Dindo Matining)