Abante Tonite Interactive

Kudeta sa Kamara tsismis lang — Barbers

0 342

Hindi na ginatungan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang balitang kudeta laban sa liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa ilang kapalpakan sa hosting ng 20th Southeast Asian Games (SEAG).

Sa news forum sa Maynila, sianbi ni ­Barbers na mayorya ng mga ­kongresista ay patuloy na nagtitiwala kay Cayetano at mga nangyaring aberya sa SEAG ay walang kina­laman sa pamumuno nito sa Kamara.

“Honestly, I have not seen, heard or felt that there would be a change in leadership,” sabi ni ­Barbers.

“Not all is perfect. There will always be glitches… no ­organizing committee is that ­perfect,” sabi pa rin ng ­mambabatas ng Surigao del Norte.

Magugunita na sinabi ni Cayateno matapos lumutang ang umano’y tsismis sa kudeta na hindi na kailangan pang mangyari ito dahil nakahada siyang bumaba sa puwesto kung majorioty ng mga kongresista’y ayaw na sa kanyang liderato.

“They can come to me and say na, Sir, mas gusto namin si Martin ­Romualdez.

Eh kasundong-kasundo ko naman si Martin Romualdez, sige Martin takeover. After 15 months, sabihin naman ni Lord Velasco ako naman, eh ‘di takeover?” sabi ni Cayetano. (JC Cahinhinan)