Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuh, Christian, Ima pang-world class ang concert

0 346

ROMMEL PLACENTE:Sa nararanasan natin ngayon na COVID 19 pandemic,hindi tayo dapat ma-depress. Huwag tayong magpaapekto. Kailangan labanan natin ito.Or else, magkakaroon tayo ng anxiety attack. Lilipas at lilipas din naman ito.

Enjoy na lang natin ang buhay.Sa darating na April 18,Sunday @8pm,may benefit virtual concert ang Philippine Movie Press Club, na si Roldan Castro ang ating pangulo. Ang title nito ay ‘Awit Sa Pandemya’.

Ang ilan sa mga performers ay ang mga mahuhusay na singers na sina Alden Richards,Jed Madela,Christian Bautista,Gerald Santos,Luke Mejares at Miss Kuh Ledesma. Dapat itong panoorin ng mga tao dahil siguradong magi-enjoy sila sa performances ng mga nabanggit na mang-aawit. At magiging dahilan ito para pansamantalang hindi na nila maisip ang nakamamatay na virus. Ito ay gabi ng kasiyahan at maa-uplift pa ang spirits ng audience dahil ang ilan sa mga kakantahin ay mga inspirational songs. Na ang mensahe na ipaparating sa audiene ay isang pagsubok lamang ito ng nasa Itaas,na malalagpasan din natin ito. Na hindi tayo dapat mawawalan ng pag-asa dahil may magandang umaga pa na naghihintay sa atin.

RODEL FERNANDO: Sa panahon ngayon na lalong tumaas ang kaso ng Covid -19 sa atin ay lalong napilay ang ating ekonomiya. Maraming taga- showbiz ang lalo pang nawalan ng trabaho at pagkakitaan dahil sa limitadong galaw at gawa sa shooting, taping at live shows. Dahil dito, apektado rin ang mga entertainment writers at mga blogger.

Mabuti na lang at ang Philippine Movie Press Club na kabilang kaming apat ay nagsasagawa ng mga fund raising project na puwedeng makatulong sa mga miyembro sa medical assistance lalo na ang mga senior na nagkakasakit. Ngayong April 18 ay mapapanood sa pamamagitan ng ticket2me.net ang Awit sa Pandemya.

Isa sa mga kaabang-abang sa line up ng mga singer na magpe-perform ay si Kuh Ledesma. Kakantahin kaya niya ang mga hit niya na tulad ng Bulaklak, Dito Ba at Till I Met You?O, baka bigla siyang umawit ng Ako ay Pilipino na identified masyado sa kanya ang kanta. Puwede naman lalo na ngayon dapat tayong magkaisa na mga Pinoy na dumadaan sa krisis.

Naku, winner din ang mga love song ng Pop Diva at excited ako mga ka-Cuartos sa kanyang song na I Think Im In Love.

MILDRED BACUD: Alam naman natin mga ka-Cuatros na sa pandemyang ito ay naapektuhan ang mga live events. Kaya pati mga artista, singer, performer at iba pa ay dumaraan din sa pagsubok.

Kaya naman nakakataba ng puso ang pinagdaraan ay nagbigay panahon para lumahok sa Awit Sa Pandemya.

Balita ko pinili talaga ng mga performer ang kakantahin nila na talaga naman inspiring.Feeling ko mas emosyonal ang rendition ng mga performer dahil na rin sa pandemya.Pero ako inaabangan ko si Ms. Kuh Ledesma na icon sa music industry. Sana ay awitin niya ang kanyang hit songs. As for Christian Bautista, sana ay awitin niya ang Josh Groban song na very uplifting sa panahon ngayon. Hindi rin naman pahuhuli amg WCOPA champion na si Jed Madela, Tuy of Ms. Saigon na si Gerald Santos, dating Ms. Saigon Ima Castro, ang Asias Multimedia Star Alden Richards at marami pang iba.

ROLDAN CASTRO: Nasilip ko na ang performance ni Ima Castro na mapapanood sa Linggo. Pang-world class ang dating. May piyesa rin siya na pang-broadway .

Hanep din ang location ni Ms. Kuh Ledesma sa virtual concert ng PMPC, nakakawala ng stress habang pinapanood mo siya. Bagay na bagay sa mga kinanta niya.

Winner ang kanta ni Christian Bautista. Napapanahon naman ang awitin ni Jed Madela. Pasasayawin naman tayo ni Luke Mejares.

Makaka-relate naman ang mga millennial sa mga kinanta ng Kapuso aktor na si Jeric Gonzales. Pati na rin sa hit song ni Lil Vinceyy na ‘Chinita Girl’.

Muli rin nating maririnig ang sumikat na kanta ni Jos Garcia na Ikaw Ang Iibigin Ko na paboritong awitin sa karaoke.

Sopresa kung ano ang kakantahin ni Alden Richards. Ganoon din kay Gerald Santos.

Kasama rin sina JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa at the Zcentido Ska Band.

Suportahan po natin ang Awit sa pandemya sa ticket2me.net sa April 18, 8PM (Philippine time ) , 5 AM (PDT). Para sa ibang detalye tumawag 09188427346.

Leave A Reply

Your email address will not be published.