Abante Tonite Interactive

Kulambo

336

Dear Dream Catcher:

Meron akong napanaginip pero hindi ko na matandaan lahat. Basta ang tanging naiwan sa isip ko ay ang kulambo sa aking panaginip. Hindi ko na rin po masabi kung bakit may kulambo lalo’t hindi naman ako gumagamit ng kulambo sa aktuwal na buhay at bata pa ako nang huli akong makakita ng kulambo.
Julia

Julia,
Madalas ang panaginip ay hindi na natin nare-recall sa ating paggising at bihira ang pagkakataon na maaalala mo pa ang buong panagi-nip mo. Bukod dito sa mga pag-aaral ay hindi lamang iisa kundi marami tayong napapanaginip sa bawat pagtulog natin. Tanging naiiwan sa ating alala ang mga panaginip na nagkaroon ng malaking impact sa iyo kaya naman nauunawaan ko na tanging ang kulambo lamang ang iyong naalala.

Ang kulambo ay sumisimbolo sa anxiety kung saan hindi ka sigurado na nasa tamang direksyon ka ng buhay. Ang kulambo ay maaari ring maging indikasyon ng emotional attachment.

Bakit kulambo? Pag-aralan mo ang kasalukuyan mong sitwasyon. Ikaw ba ay mayroong ginawang desisyon kung saan nangangamba kang mali ang naging desisyon mo at natatakot ka sa magiging resulta nito sa hinaharap? Kung meron ganito o kahalintulad na pangyayari sa buhay mo, ito ang koneksyon ng kulambo sa iyong panaginip.

Related Posts

Ang kulambo sa panaginip ay maaari ring maikonek sa iyong mga aksyon. Kung masyadong makapal ang kulambo tulad ng mga sinaunang kulambo na halos hindi mo maaninag ang nasa loob, ito ay maikokonek mo sa mga sitwasyon kung saan hindi ka nagiging honest sa iyong mga tran-saksyon. Kung meron kang inililihim sa iyong mga kaharap, sa iyong pamilya at maaaring sa partner mo. Kung ang kulambo naman ay manipis at halos nakikita mong lahat, maaari itong ikonek sa pagiging honest mo sa iyong pakikipagtransaksyon.

Kung ang kulamabot ay luma, butas-butas at tila nangangailangan na ng kapalit, ito ay puwedeng ikonek sa iyong relasyon sa buhay kung saan maaaring pakiramdam mo ay hidni na nagiging maganda at sa kalaunan ay talagang dapat nang palitan.

Kung ikaw ay nasa loob ng kulambo at ang feeling na naiwan sa iyo ay na-trap ka at hindi makahinga, maaari rin itong ikonek sa isang relasyon o sitwasyon kung saan pakiramdam mo ay nakakasakal na sa iyo.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana-ginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispirituwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com