Abante Tonite Interactive

Kulay ng tamod ko (2)

0 570

Kulay ng tamod ko (2)

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra. Holmes: (shortened July 6 letter)

Last time I had sex I noticed my semen had changed color.

I went to a prostitute and asked what she thought.

She told me my semen looked different from the way it used to be now looked more reddish than before. What do these changes mean?
Richard

Dear Richard:
Maraming Sala­mat sa sulat mo na pinublish natin nang buo Sabado, Hulyo 6, 2019. Pinangako ko na nga­yon tatalakayin natin ang ibig sabihin ng reddish color sa tamod mo, ok? Ang mapula-pulang tamod ay symptoma ng sariwang dugo.

Ang pinakapangkaraniwang dahilan para rito ay ang mga sumusunod:
1. Alta presyon (“high blood” o hypertension): Kung hindi nagamot, posibleng lilitaw ang dugo sa tamod mo. Sa mga iilang situwasyon, maaaring wala kang nararanasang na mga symptoma.

2. STDs (sexually transmitted disease, “VD”), katulad ng herpes, chlamydia, at gonorrhea na maaaring dahilan na lilitaw rin ang dugo saiyong tamod.

3. Vigorous sex or masturbation. Tandaan sana na hindi ang sex o masturbation ang dahilan ng dugo sa tamod, pero ang sobrang dalas ng paglalabas ng tamod mo.

4. Hindi nilabasan nang matagal na panahon o pagtitigil ng sarili bago labasan. Kadalasan, hindi ito problema at, kapag tumigil ng numer 3 at 4, maaayos ito sa 2 o 3 mga araw.

Ayon sa mga pana­naliksik, mayroon pang ibang dahilan na nagi­ging pula ang tamod ng lalaki pero madalas na madalas ito ang dahilan:
1. Prostate biopsy or surgery

2. Prostate infection (Prostatitis)

3. Prostate, testicular, or urethral cancers. Pero ang mga ganitong klaseng cancer ay bihira lang mangyari. Ayon din sa mga manggagamot, kahit na sa Stage 3 o 4 ang mga cancer na ganito, successful ang resulta. Inaasahan ko na nakatulong ito sa iyo. Ingat—MG Holme­s