Abante Tonite Interactive

Kulelat na sa survey, pumusta pang mananalo sa halalan

By
386

Kulelat sa survey kaya pinagpustahan na lang kung may tsansa bang manalo itong isang politiko na nag-aambisyong maging senador.

Kung 42 ang kuku­ning senador, matutupad sana ang pangarap nito pero hanggang 12 lamang ang kailangan kaya’t masasabing nasa laylayan ng listahan si mister senatoriable.

Ang matindi pa nito, ayon sa nakuhang info ng Tonite, nakipagpustahan ito sa isang kapwa kandidato na siya ay mananalo sa May 13 midterm elections.

Abante Hiring – IT dep

Ang lakas ng loob ng mamang ambisyoso na maging senador dahil umabot diumano sa halagang P10 milyon ang pusta.
Pero dahil mukhang malabo talagang makapasok sa Magic 12, hinirit na lang ng kalaban o kapustahan nito na kahit sa survey na lamang makapasok si mister kandidato.

Kung papasok sa survey ay doblado ang mapapanalunang pusta.

Tila masyadong bilib sa sarili ang kandidato na ito at kahit dehadong-dehado ay kumasa naman sa hamon.
Abangan na lang ang susunod na kabanata kung tutuparin nitong magbayad ng pusta dahil siguradong hindi ito mananalo.

Clue: May ­letrang ‘M’ sa kanyang pangalan as in wala siyang pag-asang Manalo.