Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kulelat pa rin tayo sa swab test – Binay

0 248

Inirekomenda ni Senador Nancy Binay na gawin nang libre ang cluster testing sa mga lugar na matatao at mataas ang kaso ng COVID-19.

Sabi ni Binay, napakahalaga na magkaroon ng libreng COVID-19 testing para mapigil ang pagdami ng kaso ng virus sa mga komunidad.

“Kulelat pa rin tayo. Why are we not testing enough? What happened to the target of 90k-100k tests daily? Given the country’s low testing capacity, how can we be effective in isolating carriers and spreaders?” ani Binay.

Ayon kay Binay, dapat masgawa ang Department of Health (DOH) kasama ang mga local government unit ng full community testing gamit ang RT-PCR test sa mga komunidad na nasa ilalim ng hard lockdown at critical zone.

“The goal is to test more, not to test all. Hindi naman natin hinihingi na i-test lahat,” punto ni Binay. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.