Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kulong, multa sa botanteng COVID carrier – DOH

0 55

Muling nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi maaaring lumabas at bomoto sa Mayo 9 ang mga pasyente na positibo sa COVID-19 at nasa isolation facility.

Ipinaliwanag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa public briefing na batay sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, may parusa sa mga taong positibo sa virus na hindi makikipagtulungan sa pamahalaan.

“They are not allowed to go out of their areas `pag sila ay positive, so hindi sila puwedeng lumabas sa isolation facilities,” giit ni Cabotaje.

“I have not heard the Comelec providing arrangements para makaboto `yong ating mga nasa isolation facilities. Ang stand ng Comelec, they may not be able to vote,” dagdag ng opisyal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa RA 11332, maaaring pagmultahin ng hindi bababa sa P20,000 subalit hindi naman hihigit sa P50,000 o patawan ng parusang pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan subalit hindi lalagpas ng anim na buwan, ang sinomang indibiduwal na lalabag sa naturang batas.

Sinabi pa ni Cabotaje na kailangan magpakita ng vaccination card ang mga botante. Habang ang mga mga botante na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 pagkatapos ng screening ay makakaboto lang sa hiwalay na pasilidad malapit sa voting precinct.

“Kapag ikaw ay vaccinated, ipapakita mo `yong vaccine card, kapag ikaw ay unvaccinated dapat ipakita `yong RT-PCR test result mo na negative within 48 hours tapos ii-screen ka at kapag ikaw ay nakitaan ng sintomas pabobotohin ka sa isolated voting place,” dagdag ni Cabotaje.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.