Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kulong, multa vs pasaway sa Parañaque

0 290

Nagbanta si Parañaque City Mayor Edwin Olivares na paiiralin ang kamay na bakal laban sa mga matitigas ang ulo at pasaway na residente na walang pakialam sa kampanya nila laban sa pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Sa isang memorandum, inatasan ni Olivares si Parañaque City Police chief Col. Robin King Sarmiento at mga kapitan ng 16 na barangay sa siyudad na kasuhan ang mga magulang ng mga batang ilang ulit nilang mahuhuli sa kalye gayundin ng mga residenteng lalabag sa mga health protocol.

Sinabi ng alkalde na tiyaking maipatutupad ang kanilang ordinansa na pagpataw ng P1,000 multa at kulong na anim na oras sa unang paglabag; P2,000 at siyam na oras na pagkabilanggo sa ikalawang paglabag; at P3,000 multa at siyam na oras na pagkakulong sa ikatlong paglabag.

Kaso na aniya ang katapat kapag hindi pa rin tumino at patuloy sa pagsuway.(Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.