Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kulong sa elevator: Regine tinalakan si Ogie

0 99

NI: ARCHIE LIAO

Sa panahon ng quarantine, aminado ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid na may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng tampuhan.

Pero may isang bagay daw na nangyari noong lockdown na muntik na silang magkaroon ng matinding away.

Ayon kay Asia’s Songbird, ito raw ay noong panahong na-stuck siya sa home elevator for 30 minutes kung saan hindi man lang nag-effort ang kanyang mister na hanapin siya.

Related Posts

Ito rin daw ang unang pagkakataon na nagtaas sa kanya ng boses ang singer-songwriter dahil sa ginawa niyang pagkukumpronta sa asawa.

Mabuti na lamang daw na narinig ng kanilang anak na si Nate ang kanyang paghingi ng saklolo dahil sa nakulong ito sa elevator.

Ito rin daw ang dahilan kaya na-alerto si Ogie na na-trap na pala sa lift si Regine.

Gayunpaman, pagkatapos ng pangyayaring iyon, dinaan na lang daw nila sa tawa ang lahat, dahilan para maibsan ang kanyang takot at pag-aalala.

Ang rebelasyong ito ni Regine ay ginawa niya nang makapanayam siya sa Facebook Live ng mag-asawang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Leave A Reply

Your email address will not be published.