Abante Tonite Interactive

Kulot salot

628

MASYADO na talagang dinibdib ng kapitbahay kong si Ronnie ang tukso ng mga tambay dito samin na ‘basta kulot daw ay salot’.

Isinisisi kasi kay Ronnie ang mga masasamang nangyayari sa kanilang pamilya tulad ng pagkahulog sa open manhole ng lola nya noong nakaraang tag-ulan at pagkatapos naman ay ang pagkatanggal sa trabaho ng tatay niyang security guard.

Tapos hindi nga rin nakatapos ng pag-aaral ang kapatid nyang babae dahil nabuntis ng ‘di oras habang nag-aaral sa college.

Actually si Ronnie ay ‘di rin nakatapos ng pag-aaral sa high school dahil nabarkada naman siya sa mga tambay din naman dito samin.

Nung maluwag-luwag pa sila sa pamilya ay madalas magpainom si Ronnie sa mga tropa nya.

Kaso, nung parang unti-unting tinatamaan ng malas yung pamilya nila, iyun, nilayuan na rin siya ng mga barkada nya.

Kasi nga, wala na rin naman daw mapala sa kanya. Hindi ko naman maintindihan kung anong koneksyon ng kulot na buhok nya sa mga pangyaya- ring yun at bigla na lang siyang tinukso ng ibang mga loko rito samin.

Nagwawala talaga sa galit si Ronnie at ang sabi nga nya ay parang di sya nakagawa ng buti sa ibang mga siraulo rito samin.

‘Yun ‘yung mga dati niyang pinapainom. Madalas tuloy siyang nakikipagbasag-ulo dahil sa sobra na nga raw ang mga tambay dito at ibang mga may pagka-adik-adik.

Siguro dapat mag-focus na lang sya kung anong mainam gawin sa future nya at wag nya na lang pansinin ang mga pa-nunukso sa kanya.
Loida of Valenzuela City

Kung kayo ay may kakaiba, nakakagulat at nakakaawang kwento ng inyong kapit-bahay i-share dito sa tonite_kapitbahay@gmail.com