Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumagat sa drug operation, kagawad laglag

0 79

Isang barangay kagawad ang nadakip makaraang kumagat sa inilatag na anti-illegal drug operation ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU)sa Barangay Sucol, Calumpit, Bulacan kamakalawa.

Sa isinumiteng report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si Israel Galang, 43, nanunungkulang Barangay Kagawad ng Barangay Sucol, Calumpit na nakadetine ngayon at nahaharap sa kasong kriminal.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Ramil R. Santos, Chief of Police ng Calumpit Municipal Police Station (MPS), ipinasailalim sa week-long surveillance operation ng SDEU ng Calumpit police ang kagawad bunga ng impormasyong gumagamit at nagtutulak ito ng shabu.

Pasado alas 6:00 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation na ikinadakip ng suspek.

May nakalap pang impormasyon na idinadaing ng ilang kababaihan ang suspek dahil nanghihipo ito tuwing nasa impluwensiya ng droga. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.