Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumain sa labas, magtiyuhin inarmalite

0 63

TODAS ang magtiyuhin matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang kumakain sa labas ng kanilang bahay sa bayan ng Dolores, Abra nitong gabi ng Biyernes.

Ayon sa Dolores Police Station, hindi muna pinangalanan ang mga biktima dahil sa ginagawang follow-up investigation.

Base sa report ng pulisya, kumakain umano ang magtiyo kasama ang ilang kamag-anak sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Cardona sa nasabing bayan nang biglang lumitaw ang suspek na may bitbit na M-16 Armalite rifle.

Dito, agad na pinagbabaril ang magtiyuhin habang nasa aktong sumusubo ng kanilang pagkain.

SM food to go Banner Ad

Dead-on-the spot ang mga biktima dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa otoridad, may person of interest na sila at lumalabas na personal na dahilan ang motibo sa krimen. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.