Abante Tonite Interactive

Kumalas si Pagnanawon

114

PILI, Camirines Sur — Kinalasan ni Bike Extreme rider Jaypop Pagnanawon ang malaking grupong kinabibilangan ng big guns para sikwatin ang 251-kilometer Stage Five ng LBC Ronda Pilipinas 2017 kahapon.

Nagsimula sa Lucena City at nagtapos dito sa CamSur Watersports Complex, nag-breakaway si Pagnanawon sa last 30 kilometers para tawirin ang meta sa tiyempong 6 hours, 58 minutes, 13 seconds.

“Pinakikiramdaman ko sila nasa likod lang ako, nagtatalo sila kasi walang may gustong magdala ng trangko,” ani Pagnanawon, anak ng dating tour champion na si Rolando. “Sinubukan kong kumalas tapos walang sumunod kaya diniretso ko na.”

Overall leader pa rin si Rudy Roque (18:12:48) ng Navy-Standard Insu­rance, lagpak sa pang-apat ang kakamping si defending champion Jan Paul Morales.

Laan sa kampeon ang P1 milyon mula LBC, MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Nos. 2 at 3 overall sina Navy riders Ronald Lomotos at Daniel Carino.