Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumanta sa NBI: Ongpin, Jonson nag-sex bago ang trahedya

0 190

Ni Nancy Carvajal

Inamin ni Julian Ongpin sa mga imbestigador na nagtalik sila ni Bree Jonson bago niya ito natagpuang nakabigti sa shower ng nirentahan nilang kuwarto sa isang resort sa La Union.

Isiniwalat diumano ito ni Ongpin nang muling humarap sa pangalawang pagkakataon sa National Bureau of Investigation (NBI) Death Investigation Division kahapon.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa umano na nagbibigay ng kanyang testimonya si Ongpin sa NBI at tumitigil lang kapag hinihiling nito na manigarilyo muna, ayon sa isang insider sa ahensiya.

Batay sa NBI report kaugnay sa ibinigay na testimonya ni Ongpin noong Oktubre 1, sinabi umano nito na nagtalik pa sila ni Jonson pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto para magpahangin dahil nai-insecure umano ito sa mga nakaraang relasyon ni Bree.

Ayon pa sa report, sinabi umano ni Ongpin na lumabas din si Jonson at hiniling sa kanya na bumalik na sa kanilang kuwarto subalit tinanggihan niya ito.

Pagbalik umano niya sa kanilang kuwarto ay napansin niyang wala si Jonson at nang subukan niyang tingnan kung nasa banyo ito ay nakakandado naman ang pintuan sa loob.

Sumilip umano siya sa bintana ng banyo at doon nakita niya si Jonson na nakabigti sa shower gamit ang damit.

Una nang binanggit sa police report na sinabi umano ni Ongpin na ginamit ni Jonson ang strap ng kanyang bra sa pagbigti.

Tatlong abogado umano ang kasama ni Ongpin nang humarap uli sa pagtatanong ng NBI kaugnay sa pagkamatay ni Jonson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.