Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumasa sa buy bust, 5 tulak tigok

0 118

LIMANG hinihinalang drug pusher ang bumulagta nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Kinilala ang napatay na sina Avril Castro, 33, binata; isang alias CJ, alias Fritz, Marlon Florentino at Ricky Perez, nasa 30-35 ang edad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod kina Florentino at Ricky, ang tatlo ay miyembro ng Bautista Robbery Holdup at Motornapping Criminal Group na responsable sa Rosario at kalapit bayan kung saan ang kanilang grupo ay nasa ilalim ng Case Operational Plan (COPLAN) ng Rosario MPS.

Sa ulat ni PSSgt Ellezer Tagalog, ng Rosario Municipal Police Station, ika-3:30 Linggo ng madaling araw nang isagawa ang operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Rosario MPS at PDEA 4A sa Bgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite kung saan target ang mga suspek.

Nakorner ang lima nang di nila inakalang pulis ang katransaksyon sa bentahan ng droga. Dahil sa panlalaban at tangkang pamamaril ay napilitang gantihan ng mga pulis na kanilang ikinasawi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.