Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumasa sa checkpoint, kawatan timbuwang

0 90

Nasawi noon din ang isang magnananakaw nang tangkaing umiwas sa police checkpoint, Biyernes ng gabi sa Zone 6, Brgy. Palestina San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PLt. Col. Crizelda de Guzman sa tanggapan ni City Mayor Mario Salvador, nakilala ang nasawi na si Jomar de Luna Sabado, ng Brgy. San Isidro, Lupao, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon nina PSSg MarkJoseph Vitalista at PCpl Jonard Anastacio, ika-11:00 ng gabi nang parahin sa checkpoint ang naka-tricycle na si Sabado.

SM food to go Banner Ad

Sa halip umanong huminto ay pinaputukan ni Sabado ang mga pulis subali’t di tumama at nang gantihan ito ng putok ay nasawi noon din.

Mula kay Sabado ay narekober ang isang shoulder bag na naglalaman ng laptop na kabilang umano sa mga nanakaw na gamit mula sa Abar 2nd Elementary School. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.