Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumasa sa mga kaluluwang gala

0 56

Mga ka-Misteryo may pagkakataon na maka-engkuwentro kayo ng mga pasaway na kaluluwang gala. Ganito ang karanasan ni Rommel ng Makati.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi na bago kay Rommel na makakita ng mga gumagalang kaluluwa pero isang gabi nang matutulog na siya may dalawang multo na nagpipilit pumasok sa kanyang condo unit.

Misteryo: “Paano mo nasabi nagpupumilit pumasok ang dalawang gumagalang kaluluwa sa condo unit mo? Di ba pwede naman sila makapasok kasi ispiritu na sila?”

Rommel: “May nakapaikot na proteksyon ang condo unit ko kaya hindi basta-Basta may nakakapasok na kaluluwa o ispiritu. Pero itong dalawang multo na ito pasaway talaga.”

Misteryo: “Ano ba ang ginawa ng dalawang kaluluwa? Paano sila nagpumilit pumasok?”

Rommel: “Gusto nilang sirain ang proteksyon kaya’t Sinagupa ko sila. Pati alaga kong pusang itim kinasahan sila.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Baka naman kailangan lang nila ng tulong mo kaya nagpumilit sila pumasok? O dahil Ligaw silang kaluluwa, akala nila pwede sila pumasok sa unit mo.”

Rommel: “Alam ko kung gusto manghingi ng tulong ang mga kaluluwa pero iba itong dalawang ito gusto lang talaga manggulo.”

Misteryo: “Anong ginawa mo sa kanilang dalawa? Balita ko kaya mo magkulong ng kaluluwa sa bote? Pwede ba yun?”

Rommel: “Pwede kaya ko gawin yun pero hindi ko ginawa sa kanila. Pinatapon ko na lang sa ibang dimensyon yung malayo dito. Humingi ako ng tulong sa spirit guides ko.”

Sadyang may mga tao na may kakaibang talento tulad ni Rommel pero marahil kailangan din nating alamin kung bakit nagpapakita ang mga gumagalang kaluluwa pero mag-ingat tayo sa iba na gusto lamang manakit

Ang karaniwan na dapat nating gawin ay mag-alay ng panalangin para makaakyat sila sa langit pero mainam din na Alamin kung meron silang dapat na tapusin sa lupa bago umakyat sa mataas na dimensyon.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.