Abante Tonite Interactive

Kume Marcial:PBA babalik sa Dubai

0 191

Tapos ng tagumpay ng two-game stint sa Coca-Cola Arena nitong weekend, plano ng PBA na muling bumalik sa Dubai sa mga susunod na panahon.

Bininyagan ng San Miguel Beer ang bagong arena sa bisa ng 98-94 win kontra NLEX nitong Biyernes.

Kinabukasan, bumawi ang Road Warriors nang umahon mula 28-point deficit para ambusin ang Ginebra sa overtime 113-111.

“Seventy percent,” ani Commissioner Willie Marcial sa posibilidad na makabalik ng Dubai ang liga.

Pumalo sa 14,000 crowd, karamihan mga overseas Pilipino worker sa United Arab Emirates, ang mga nanood sa dalawang laro.

May mga lumapit aniya kay Marcial, na gusto ring magpalaro.

“Tinatanong nga nila ako kung kailan ulit puwede pumunta ang PBA dito,” anang PBA top honcho.

Gusto aniya ng Dubai Sports Council na magkaroon ng championship game o All-Stars doon. Pag-uusapan na lang at pag-aaralang mabuti kung kailan.

Mas madali raw i-organize ang Finals game, kailangan lang ay may mahaba-habang pahinga.

“’Di tulad ng All-Star (game) na puwedeng bukas maglaro na agad kami,” rason ni Marcial. (VE)