Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumislot talangka sa ulo ng paborito kong janitor

0 117

Tinatapos ko na lang ang pagsasara ng Abante TONITE sports page Martes nang biglang lumapit sa harap ko ang paborito kong janitor na puyat na puyat sa katutulog at pagod na pagod sa kapapahinga.

‘Boss mukhang magkaka-identity na ang volleyball natin sa International Volleyball Federation (FIVB),” bungad nang kolokoy.

Palibhasa patapos na ako pag-eedit ng mga sports story, sinulyapan ko siya.

“Long overdue na boss statement ni Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) president Jose ‘Joey’ Romasanta,’ hirit niya. “Na maggi-giveway siya para sa next volleyball president sa eleksiyon na inaayos ngayon ng Philippine Olympic Committee (POC). Boss may edad na siya. Tapos na panahon niya bigay na niya sa mga bata. Mahihirapan na siya kumuha ng mga sponsor. Kasi..”

Bago pa niya tapusin ang kanyang sinasabi, sinaway ko ang damuho kahit sa tingin may punto naman ang pagbula ng kanyang bibig at tilamsik ng laway.

“Matuto kang gumalang sa senior citizen ha? Darating ka rin diyan,” wika ko.

“Kasi boss marami silang kontrobersiya sa panahon nila sa POC kasama ang 2016 Rio de Janeiro Olympics. Kaya kung siya pa rin mauupong pangulo ng volleyball, nganga pa rin tayo,” dada ng aming janitor na kaya pala inaapuntahan ay Martes pala.

May mga hirit pa ang kumag. Pero sinopla ko na. Sinabi kong marami ring nagawa sa sports si Romasanta at siya lamang ang nakakaalam kung kalian niya gustong iwan ang industriya. At iyon ang dapat igalang niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.