Abante Tonite Interactive

Kumpas ng kamay sa POC dapat tigilan na ni Peping!

335

Kumislot na naman ang talangka sa ulo ng paborito kong janitor na laging pagod na pagod sa kapapahinga at puyat na puyat sa kakatulog habang nagdi-deadline ako sa pagsasara ng sports pages ng Abante TONITE Lunes nang hapon.

Humahangos siyang nagtungo sa aking mesa sabay kumpas ng dalawang kamay at rumatsada kahit umalingasaw ang mabaho niyang hininga.

Pasada niyang may tsismis daw siya sa akin na may ilang pangulo ng national sports associations (NSAs) ang mga nagkuwentuhan tungkol sa gusot sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC).

Abante Hiring – IT dep

Aniya, may ilang lider din na nasa gitna lang ng mga nagyayaring mala-telenobelang kaguluhan.

“Boss, neutral sila. Meaning walang kinakampihan sa panig ng mga bata ni 2005-2018 POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. sa pangu­nguna ni POC first vice president Jose Romasanta, at kung sino pa sa kabilang pang side, sabihin na nating ang nagbitiw na POC Chairman Abraham Tolentino at bumabang pangulong Victorico Vargas,” dada ng damuho naming dyanitor.

May balita raw siya sa isang nagpatagong pagkakilanlan ng NSA prexy, na sinabi nitong may say pa rin talaga sa POC si Cojuangco.

“Boss, sunud-sunuran pa rin ang kanyang mga trusted liutenant. Pero ‘di na lahat. Yung ibang may mga edad na gusto na ring magpahinga at i-enjoy siguro ang ilang taon nilang ilalagi pa sa mundo, at ang ilan napipilitan na lang sumunod sa kumpas ng mga kamay ni Peping,” litanya ng kolokoy.
“Kung pwede lang boss sabihin ko kay Cong (tawag kay Coijuangco) na tigilan na niya ang kumpas ng kanyang kamay sa POC, ginawa ko na. Kaso di niya ko kilala. He, he,” hirit niya.

Sa punto niyang iyon, kinuha ko ang isang diyaryo namin sa ibabaw ng mesa, binilot ko ito at hinampas ko sa kanyang kanang braso. Sabi ko: “Tigilan mo na ako, marami pa akong trabaho.” Sumunod naman ang damuho at tinuloy ko na ang ginagawa ko.

Naibulong ko na lang sa sarili ko na sana kung may power pa nga si Cong sa POC executive board, sana ‘wag na ngang kumumpas ang kanyang mga kamay.
Naibulong ko na lang tuloy sa sarili ko na sana magmuni-muni at tumayo na sa sariling mga paa nila ang mga pangulo ng NSA na kilalang mga tuta ni Cojuangco. ‘Yan ay kung gusto pa nilang mabalik ang respeto ng lahat sa POC, sa kanila at para sa kapakanan ng mga atleta partikular at sa PH sports sa pangkalahatan.

Itataguyod ng Batch 1979 Gregoria de Jesus Elementary School ang 1st GDJES 2019 Grand Reunion sa Gregoria de Jesus Elementary School ground sa Dagupan St., Tondo, Manila sa darating na Sabado, Setyembre 21.