Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumpas ng MWSS sa P12B Kaliwa Dam project kinuwestyon ng COA

0 57

KINUWESTIYON ng Commission on Audit (COA) ang pagbibigay ng Notice to Proceed (NTP) ng Metro Manila Sewerage System (MWSS) sa P12-billion Kaliwa Dam project sa kabila nang hindi pa nakakatalima sa mga mahahalagang requirements ang Chinese contactor nito kabilang na ang Conditional Environmental Compliance Certificate (EEC) at consent mula indigenous group na naninirahan sa lugar.

Sa 2019 Annual Audit report ng COA, pinuna nito ang pagbuo pa ng Environmental Unit (EU) ng MWSS para masiguro na makaka-comply ang contractor sa Environment Impact Statement (EIS) at ECC. Gayunpaman hindi naman nagsumite ng report ang MWSS hinggil dito.

Ayon sa COA nasa 21 kondisyon ang nakasaad sa ECC at sa nasabing bilang ay 17 dito ay requirement para sa environment management subalit hindi pa ito nakukumpleto.

Malinaw umano sa kondisyon ng ECC na walang kontruksyon na dapat maganap kung hindi kumpleto sa mga requirements kaya kuwestiyunable na nag-isyu ang MWSS ng Notice to Proceed.

“The ECC provides that no activity will commence until the proponent has complied with the requirements of the National Integrated Protected Areas System Act, other relevant laws and issuances; and the necessary certifications fromthe National Commission of Indigenous Peoples (NCIP) including the Certificate of Precondition (CP) after the Free and Prior Informed Consent (FPIC) is obtained from the affected ICC/IP groups” ayon sa COA. (Tina P. Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.