Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumpiskadong puslit na droga, yosi akyat sa P20B

0 49

Umabot na sa P20 bilyon ang halaga ng ilegal na shipment ng mga droga, sigarilyo, at counterfeit goods na kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa 615 operasyon nila mula Enero hanggang Agosto 23 ngayong taon.

Sabi ng Department of Finance (DOF), coun­terfeit goods o mga peke ang pinakamaraming kinumpiska ng BOC na nagkakahalagang P15 bilyon, kasunod naman ang ilegal na droga na nagkakahala­gang P1.88 bilyon, at smuggled na sigarilyo na may kabuuang halagang P1.23 bilyon.

SM food to go Banner Ad

Bukod dito, may nakumpiska pang P267.3 milyong produktong agrikultura ang BOC at mga ukay na damit na nagkakahalagang P56.6 milyon.

May P23.5 milyong electronics, P40 milyong firearms, P182.5 milyong personal protective equipment at medical supplies, at P77.5 milyong mga sasakyan ding nasamsam.

Ayon sa DOF, nagsampa na ng 67 kasong kriminal ang BOC sa Department of Justice laban sa 217 katao na binintangan nito ng smuggling at 48 kasong administratibo naman ang sinampa nito sa mga customs broker sa Professional Regulation Commission. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.