Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kumurap ka naman

0 133

Nararanasan n’yo bang humahapdi ang mga mata na parang may buhangin na parang hindi maalis? Kahit anong kusot, hindi siya nawawala. At kahit hinilamusan na, parang nandoon pa rin ang nakakairitang pakiramdam.

Marami ang nakababad ngayon sa computer at iba pang gadgets na may maliwanag na screen dahil naka-work from home at nag-oonline classes. Ang sobrang pagtingin sa screen ay nagdudulot ng tinatawag na dry eye syndrome.

Ayon kay Dr. Noel Lacsamana, ophthamologist-surgeon, nagkakaroon ng problema sa dami at kalidad ng luha ang may dry eye syndrome. Kadaladan talagang nangyayari ito kapag nag-eedad ang isang tao. Pero puwede ring mangyari sa mga bata pa dahil nga sa over-exposure sa screen at iba pang kadahilanan.

Ang luha kasi natin ay binubuo ng tubig, fatty oils at protina na nagpo-protekta sa atin mula sa mga nakakairitang bagay sa ating paligid. Kapag tayo ay kumurap, may luhang dumadaloy sa ating cornea (ang panlabas na bahagi ng ating mata na parang dome). Ang luha na ito ang nagbibigay ng nutrisyon sa mata at pumoprotekta sa mata. Gayunman, ang komposisyon ng luha ay nagbabago kapag hindi nakakagawa ng sapat na luha ang mga mata.

Kabilang sa mga dahilan ng dry eyes bukod sa edad at matagal na pagtitig sa maliwanag na screen, at pagkalimot na kumurap ay ang mga sumusunod:

Related Posts

gamot tulad ng decongestant, antidepressant, antihistamine, birth control pills at hormone replacement therapy
gamot sa high blood pressure, anxiety at Parkinson’s disease
kapag buntis
kapag may sakit na lupus, rheumatoid arthritis, thyroid disorder at diabetes
palaging nagsusuot ng contact lenses
nagpa-laser surgery ng mata
allergies
usok at hangin (natural o mula sa electric fan o aircon) at tuyong kapaligiran

Mayroon namang puwedeng ipatak sa mata tulad ng hypromellose at iba pang eye drops na mabibili over the counter. Pero mas mabuting patingnan muna sa ophthalmologist para malaman kung ano ang dahilan ng dry eyes at kung pamatak lang ba o surgery na ang kailangan para rito.

Iwasan din ang mga pamatak sa mata na nagsasabing tatanggalin ang pamumula.

At huwag kakalimutan ang pagkurap. Sabi nga ni Dr. Lacsamana, ang pagkurap ay parang paglilinis ng salamin, ang luha ang tagalinis at proteksyon sa ating cornea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.