Abante Tonite Interactive

Kumusta ang inyong kalusugan?

391

Dr. Rylan Flores

Gitna na ng taon, kumusta na po ang kalusugan nyo? Sa simula ng taon mahilig tayong gumawa ng mga “New Year’s Resolution”.

Kadalasan, may kinala-man sa kalusugan natin o sa mga mahal natin sa buhay ang nilalaman nito. Eto ba ay nagawa natin o hanggang lista na lang tayo?
Tulungan ko kayong gumawa ng napakasimpleng listahan na mada- ling maaalala at magagawa ninyo.

A. Ayusin ang pagkain
Lahat tayo ay gusto ng seksing katawan, ngunit di naman natin kailangang gutumin ang ating mga sarili para matupad ito. Dati rati’y may sinusundan tayong “food pyramid”, carbohydrates (tulad ng kanin, tinapay, pansit, patatas, at mais) sa ibaba, protina (tulad ng karne, isda, itlog) sa gitna, at taba sa itaas; nagpapahiwatig sa dami ng dapat kainin.

Ngunit ngayon, “food circle” na ang gamit natin. Ang bilog ay ihinalintulad sa ating plato na mas pa-milyar sa atin. Kalahati ng plato ay dapat prutas at gulay, at ang kabilang kalahati, butil at protina. Iwasan ang mga processed o synthetic na pagkain, mas natural mas mabuti. Kapag ito ang sinundan, kada kain natin ay healthy. Idagdag na natin ang wastong pagkain sa oras.

B. Uminom
Ang katawan natin ay 60% tubig. D­alawang katlo ay nasa loob ng mga cells, isang katlo sa labas, tulad ng dugo, at sa mga organo tulad ng bituka, utak at spine, pati mata. Kailangan natin ng kahit na 2 litro sa maghapon, o mga 8 basong tubig at maaaring maging 3 hanggang 4 na litro kapag aktibo tayo, may sakit, pagod na pagod o mainit ang panahon, para manatili ating homeostasis o matatag na kundisyon. Kung maidadagdag pa natin ang isang basong gatas, mas mainam
C. Ehersisyo

Napakaganda kung makakasali tayo sa mga sports o mag enroll sa gym. Ngunit paano kung ni hindi tayo makaumpisa? Dahil mahal at maraming kaila-ngang gamit at damit o wala tayong oras, sobrang nakakaabala. Ang importante ay kumilos tayo. Maganda ang pagtubo ng buto sa bawat hakbang, mapapabuti pa ang kalagayan ng kalamnan natin. Maglakad tayo, umakyat ng kahit 2 palapag lamang, mga 6-8 beses maghapon, maumpisahan lang na kumilos tayo.
D. Supplements

Related Posts

Kung nais ninyong umiom nito, sige lang, lalo na kung di sigurado ang bitamina at mineral na nakukuha sa pagkain sa maghapon. Ngunit paalala lang, ang mga ito ay suplemento lamang. Hindi ito dapat ipamalit sa tamang pagkain o palitan ang mga inirisetang mga gamot. Sa totoo lang, kung wasto ang pagkain, kumilos at gumalaw ng tama, maaaring di na natin kailanganin ang mga ito.

E. Iwasan ang mga bisyo
Ang paninigarilyo, paginom ng alak, at paggamit ng mga bawal na gamot ay itigil. Maaa-ring paggalingan ng mga karamdaman tulad ng kanser, cirrhosis, sakit sa utak, at iba pa.

F. Magpahinga
Kung tayo ay natataranta kapag ang cellphone natin ay nag low batt, naghahanap ng charger o power bank ng maibalik sa maayos na karga ang gamit natin. Ang katawan natin ay kailangan din ma-recharge. Ang cellphone kapag namatay, pag nacharge ay nabubuhay. Ang katawan natin sa tingin nyo pag namatay, mabubuhay pa kaya?

Kahulihulihan, dalawin natin ang ating mga kaibigang doctor kung may nararamdaman ta-yong kakaiba o kahit minsanan sa isang taon na regular o para mangumusta lang.

Hanggang sa susunod na Huwebes.
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigeno-mics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Me-dical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang
talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal).

Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn).

Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentayo at katanungan.