Abante Tonite Interactive

Kumusta na

By
5

May mga overseas Filipino worker (OFW) kaya ngayon na nagtatrabaho pa sa South Sudan?

Ilan ang mga kababayan natin na nasa Turkey at sa France.

Ito marahil ang tanong ng marami dahil sa kasalukuyang conflict sa mga nasabing lugar.

Sa South Sudan, sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga sundalong loyal kay President Salva Kiir at ng mga loyal naman kay Vice President Riek Machar.

Matatandaang kamakailan lamang ay sinabi ng Philippines Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpayag nito ng redeployment ng mga OFWs sa South Sudan sa bumuti na raw ang sitwasyong political doon.

Base sa Governing Board Resolution 11, tanging mga former worker doon at may pruwebang may naghihintay na muling trabaho ang papayagan. Ibig sabihin nito, hindi pa maaaring mag deploy ng mga bagong OFW.

Maganda naman ito, pero mas magada na rin siguro kung itigil na rin muna ang redeployment sa harap ng lumalalang sitwasyon sa Africa.

At kung, may mga nakaalis man ng mga kababayan natin papunta sa Africa, nararapat lamang na kumilos ng mabilis ang mga kinauukulan para matulungan na mapauwi sila sa lalong medaling panahon.

Ibinaba ang board resoluyong ito noon lamang Hulyo 8 ng taong kasalukuyan, sa pag-asang maayos na ang tinatakbo sa South Sudan. Pero tingnan ninyo ang bilis ng mga pangyayari, ‘di ba? Ilang araw lang pagkaanunsyo ng nasabing redeployment, sumiklab na kaagad ang panibagong labanan.

Kahit noon pa mang mga nakakaraang taon, nakakapagduda na ang sitwasyon sa South Sudan.

Isa ang Pilipinas sa mga naunang kumilala sa independence ng South Sudan, kaya maganda sana ang idudulot nito sa ating mga OFW. Pero, wala pa yatang isang taon buhat nang ideklara ang independence nitp, ay nagkaroon na kaagad ng conflict noong 2013.

Samantala, ang Uganda ang siya naman ngayong a­bala at nanguna sa evacuation sa may humigit-kumulang 8000 workers nito na nasa South Sudan. Ang Pilipinas, ano na ang balak natin?

Not so Nice

Dahil sa ang mga OFW ay kung saan-saan bansa nagtatrabaho, hindi mo maiwasang mag-isip kung may nadamay ba sa mga kababayan natin sa nangyaring trahedya sa Nice noong Hulyo 14 sa Bastille celebration Ng France.

As of now, mahigit sa 80 katao ang namatay dahil sa isang terorista na gumamit ng truck para araruhin ang mga taong wala namang kasalanan kundi ang manood lang ng fireworks display at makisaya sa Bastille Day.

Sa mga pangyayaring ito ay ulitin lang natin ang panawagan sa ating mga OFWs: Dagdag ingat tayo all the time.

Samantala, umaasa naman tayo na under President Digong mas mabilis at mas responsive ang mga embahada at konsulada natin. Sabi nga ng ating Presidente, kapag ang isang government official or employee ay hindi nagtatrabaho ng tama sa walong oras, aba iyan daw ay swindle at kapag paulit-ulit ay estafa na. Kaya, bawal na po labor attaché, consul at ambassador at lahat ng consular at embassy staff ang sagot na “Break po kami. Balik kayo mamaya.” At kadalasan, iyong mamaya ay maya’t maya.

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opi­nions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.