Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kung ako pres, tsugiin ko sa DOE si Cusi – Pacquiao

0 362

Kung si Senador Manny Pacquiao ang presidente, agad niyang sisipain sa puwesto si Department of Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa nararanasang power interruption sa bansa.

Sinisisi ni Pacquiao si Cusi sa kakapusan ng suplay ng kuryente sa bansa sa kabila ng nauna nitong pahayag sa Senado na walang power interruption sa panahon ng tagtuyot.

“Kung ako ang ano eh, eh palitan kita, maraming deserving na mamumuno diyan,” sabi ni Pacquiao matapos tanungin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung anong gagawin niya kung siya ang presidente ng bansa.

Inihalimbawa pa ni Pacquiao sa ibang bansa kung saan ang mga opisyal ng gobyerno ay nagbibitiw sa kanilang puwesto kapag sumasablay sa kanilang liderato.

Sa bandang huli, sinabi ni Pacquiao na bahala na si Pangulong Rodrigo Duterte kung sisibakin niya o hindi si Cusi sa kanyang posisyon.

“It’s the prerogative of the President if tanggalin siya or bigyan siya ng chance,” ayon kay Pacquiao. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.