Abante Tonite Interactive

Kung hindi nagtipid, walang maggamit sa Covid crisis! – Duterte

945

Kung hindi nagtipid ang gobyerno ay wala sanang perang magagamit ngayon sa paglaban sa krisis sa coronavirus disease 2019.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi kasunod ng tulong na ipinamimigay sa 18 milyong mahihirap na pamilya na matinding naapektuhan sa ipinaiiral na enhanced community quarantine.

Ayon sa Pangulo, nakapag-ipon ang gobyerno ng P300 bilyon , at 275 bilyon dito ang ginagamit na ngayon para matulungan ang mga mahihirap na sektor sa loob ng dalawang buwan.

“Ang ginagamit natin, ito na yung nireserba natin na pera. Ang pinagyayabang ko na may pera tayo, it’s 300 billion. Mabuti’t nandiyan lang talaga,” anang Pangulo.

Kung ginamit aniya ang pera sa mga proyekto na posibleng makurakot lang ay wala sanang magagamit ngayon sa pagharap sa COVID crisis.

Kasabay nito sinabj ni Pangulong Duterte na walang kita ngayon ang gobyerno at hindi kumikilos ang ekonomiya dahil sa ipinaiiral na ECQ sa buong Luzon.

Tonite – Wendys Inhouse Ad