Abante Tonite Interactive

Kung makaasta si ‘lodi’ parang may-ari ng RMSC

By
1,311

Mistulang haciendero at tila daig pa ni ‘lodi’ petmalu ang pagmamay-ari sa Rizal Memorial Sports Complex.

Kakaiba ang pagtrato ni ‘haciendero’ sa mga nagnanais makagamit ng pasilidad sa makasaysayang sports complex na tila binabase niya sa estado sa alta sosyedad.

Mabilis pa siya sa alas-kuwatro mag-asikaso ng mga bisita kapag may gustong maglaro sa kanyang mga kakilala na mula sa ahensiya ng pasugalan, mga konsehal at empleyado ng mga kilalang hotel na madalas ay nagbibigay ng swabeng ‘paipit’ matapos na makapaglaro.

Hindi ka pansin kung simple ka lang na personahe at kailangan mo pang magpabalik-balik para lang isaayos ang gagamiting pasilidad kahit na aprubado ito ng mga namumuno ng nagmamandong ahensiya.

Madalas ay nagagawa pa nitong mag-inuman kapag tapos na ang oras ng pagtatrabaho sa loob mismo ng pasilidad.

Maraming beses na din niyang tinabla ang isang koponan na madalas na nagsasanay sa sports complex.

Lodi petmalu talaga ang may-ari ng Rizal Memorial. Sino siya? Katunog ng softdrinks ang inisyal niya.