Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kung puwede sabong, face to face class payagan din

0 131

Sinuportahan ng tatlong senador ang pagpapatuloy na face-to-face class sa ilang lugar sa bansa na mababa ang kaso ng COVID-19.

Sa pagdinig ng Senate Committee pn Basic Education, Arts and Culture, pumabor sina Senadora Imee Marcos at Senadora Nancy Binay sa physical class. Sabi ni Marcos, kung pinayagan lang din na magpatuloy ang operasyon ng sabong, dapat pahayagan na rin magbukas ang mga paaralan sa mga lugar na mababa ang kaso ng virus.

“Para sa akin talagang nadismaya ako na mas mahalaga pa pala ang sabong sa Pilipino kaysa sa edukasyon. Dalawang linggong nakalipas, binuksan na ang sabongan pero yung eskwelahan sarado pa rin, hindi naman yata tama,” pahayag ni Marcos sa pagdinig.

Iginiit naman ni Binay na nahihirapan ang mga estudanyante sa pampublikong lugar sa kanilang pag-aaral dahil sa limitadong resources kaya’t mas mabuting ibalik na ang face-to-face class. Ito rin ang tinulak ni Senador Win Gatchalian, aniya dapat ibalik na ang limitado at localized physical class basta’t sa mga lugar na wala o hindi kaya’y konti lang ang kaso ng COVID-19.

Samantala, sinabi naman ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan na kailangang ikonsidera ang mga magiging respondibilidad para sa kaligtasan ng mga estudyante. Kasama umano rito ang mga magulang, lokal na pamahalaan at iba pang stakeholder sa komunidad.

Kung wala umano nito posibleng DepEd ang sisisihin sakaling magkaroon ng mga hawaan ng COVID-19 sa mga estudyante kapag nagpatupad ng face-to-face class. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.