Abante Tonite Interactive

Kung walang kasunduan ‘di ka dapat magbayad ng interes

309

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Good Day po. Hihingi lang po sana ako ng legal advise. Ako po ay may utang na 20k at ito po ay umabot na ng 26k dahil sa pinataw na interes ng aking pinagkautangan.

Umabot po ng tatlong taon hnggang ngayon hindi ko nabayaran an aking utang.Ngayon po ay may lisensya na sila na magpa utang ngayon po pinabarangay po niya ako ang payo po ng barangay ay makiusap ako sa aking pinagkakautangan kung paano ko ito babayaran. Ang sabi ko po ay maghuhulog ako buwan buwan ng 1k kada buwan.

Pero po ayaw puma­yag ng aking pinagkakautangan. Binantaan po niya ako na kapag di ako sumunod sa gusto nila ang attorney na daw po nila ang kausapin ko.. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Salamat po,
Jessica
Ms. Jessica,
Malamang kaya hindi ka makabayad ay ginamit mo ang inutang mo sa ibang kadahilanan o panga­ngailangan mo at hindi sa isang business kaya’t wala kang ibang pagkukunan kahit na pambayad ng interes ng utang mo.

Related Posts

Magkaganun pa man, ang utang ay utang na dapat bayaran upang mapagkatiwalaan kang muli at ang kasunduan ninyo ay boluntaryo mong pinasok at hindi ka naman pinilit.

Nais ko sanang malaman kung ang interes ba ay napagkasunduan ninyo at nakasulat ito sa kasunduan dahil kung hindi nakasulat ang kasunduan ay hindi ka maaaring singilin ng interes.

Sa ngayon ay talagang sisingilin ka na ng pinagkakautangan mo at malamang na lumaki pa nang lumaki ang interes niyan. Ang isang kasunduan kasi ay himdi basta pinapawalang bisa ng korte maliban lamang kung mapapatunayan mo na ang interes ay sobrang laki at hindi na katanggap-tanggap o hindi na ito makatao o makatarungan sa sob­rang taas ang pinataw na interes.

Kahit walang nakukulong sa utang ay hindi dapat na hindi tuparin ang napagkasunduan. Tanging pakiusap na lamang ang maaari mong gawin at ipakita na magbaba­yad ka naman kahit na maliit na halaga kada buwan. At ipaalam na wala ka talagang ibang pagkukunan ng ibabayad.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 419 7624 o 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.