Abante Tonite Interactive

Kunsintidor o pabayang ermat?

546

Good morning po sa inyong lahat! Ako si Kimberly, taga-Imus,Cavite. Gusto ko lang ikuwento sa mga reade­r ng column na ito, itong kapitbahay naming si Aling Rita. ‘Yung asawa niya OFW sa Qatar.

Napapailing na lang kami sa mga ginagawa niya sa mga anak niya. E papano, hindi namin alam kung kunsitidor o walang pakialam na nanay ‘yang si Aling Rita. Una, yung anak niyang babae na nasa first year high school pa lang e nahuling naninigarilyo sa cr ng school nila at pinatawag si Aling Rita ng principal.

Mukhang hindi naman affecte­d si Aling Rita dahil ang ginawa niyang solusyon e sa sariling bahay na lang naninigarilyo ‘yung anak niya para daw hindi na sa school ma­nigarilyo. Minsan jamming pa silang mag-ina sa terrace nila nagyoyosi. Bata pa lang sunog na lungs niya.

Hindi lang ‘yan, ‘yung anak niyang panganay na babae, si Richelle, na nasa 3rd year college na e sa bibig mismo ni Aling Rita nangagaling na gusto na na niyang ipakasal ang anak niya sa boyfriend nitong mayaman dahil baka daw mag-break pa at sa­yang daw. Kahit ‘di na daw magtapos ang college ang anak, buhay naman. ‘Yun ang kinukuwento niya sa mga umpukan sa tindahan.

Hindi nga kami makapaniwala nu’ng sinabi ni Aling Rita sa amin na sinasabihan na niya si Richelle na magpabuntis na sa kanyang boyfriend para wala na itong kawala. Para ngang gusto kong sampa­lin si Aling Rita sa mga oras na ‘yun para magising e! Biruin niyo ang daming tao sa tindahan naikuwento pa niya ‘yun. Kaya kumalat tuloy!

‘Yung anak naman niyang lalaki na nasa high school din e ang tamad-tamad naman pumasok. Kung kelan lang niya feel pumasok sa school, dun lang siya yata papasok. Sabi ni Aling Rita, lagi daw nakaharap sa computer ‘yung anak niya. Hinahayaan na lang daw niya na ‘wag pumasok sa school kesa naman daw sa mall pumunta at bumarkada pa. Sa tingin nga namin hindi makaka-graduate ng high school eh.

Kakaibang ina talaga itong si Aling Rita. Lahat nga kami dito naloloka sa kanya! Malamang hindi alam ng asawa niya sa Qatar ang ginagawang pagpapa­laki niya sa mga anak niya dito. Salamat po sa space!

***
Kung kayo ay may kakaiba, nakakagulat, at nakakaawang kuwento ng inyong kapitbahay, i-share dito sa kapitbahay mo, i-blind item mo sa abantetonite@gmail.com.