Abante Tonite Interactive

Kunwaring ‘crime scene’ sa SM Olongapo

By
21

Nagsagawa ng Simulation Exercise (SIMEX) ang buong kapulisan ng Lungsod ng Olongapo kung saan ay inakala ng mga nakasaksi na makatotohanan ang ginawang pag-aresto sa dalawang kalalakihan sa harapan ng SM Olongapo City.

Ayon sa pulisya, kunwari ay isang dragnet operations ang ikinasa ng kanilang tropa bandang alas-kuwatro kamakalawa ng hapon para maaresto ang dalawang kalalakihan na sakay ng kulay itim na kotse na walang plaka.

Nagmistulang aksiyon sa pelikula umano ang scenario dahil na rin sa pagkukunwaring lu­malaban at pumapalag pa ang mga inaaresto kahit nakaposas na.

Ang SIMEX ay isang aktibidad na karaniwang isinasagawa ng kapulisan sa buong bansa bilang paghahanda sa banta ng holdapan at iba pang krimen sa kanilang nasasakupan.