Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kurakot lusot `pag walang lifestyle check – VP Leni

0 82

Hindi magandang ehemplo ang paglimita ng public access sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) gayundin ang pagpapatigil ng lifestyle check sa mga naglilingkod sa gobyerno, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Naniniwala si Robredo na ang paglimita ng access sa SALN ng mga public official ay tila lisensya para makapagtago sila ng yaman.

Naunang inihayag ng Office of the Ombudsman na lilimitahan nila ang access sa SALN, kung saan maaari lang ito para sa opisyal na imbestigasyon, sa utos ng korte o mismong opisyal ang nagpapalabas.

“Maling-mali. Maling-mali iyong signals na binibigay,” pahayag ni Robredo sa kanyang linggohang programa sa radyo.

SM food to go Banner Ad

“Kapag inalis mo iyong SALN ano bang mensahe iyong binibigay mo? Anong mensahe iyong binibigay mo sa tao, na ang korapsyon hindi priority ng pamahalaan,” dagdag ni Robredo.

Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na hindi na kailangan ang SALN sa imbestigasyon sa korapsyon dahil be dahil baka ma-“weaponize” lang laban sa kanila sa kampanya.

Sinabi ni Robredo na nalungkot siya sa desisyon ni Martires.

“Parang binibigyan mo ng license iyong mga public officials na magtago ng kanilang mga yaman na hindi dapat kasi requirement iyon under the law and the Constitution,” dagdag ni Robredo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.