Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kurakutan sa pandemya `di lulusot sa Senado – Lacson

0 66

Naniniwala si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na mayroong paninindigan ang kanyang mga kasamahan lalo pa kung sangkot ang isyu hinggil sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Inihayag ito ni Lacson kasunod ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado na huwag muna mag-iimbestiga sa mga programa ng gobyerno kung hindi pa natatapos gawin ito.

Ayon kay Lacson, binubuo ng 24 na mambabatas ang Senado at hindi nila puwedeng turuan ang bawat isa.

“We also make sure that we follow our individual convictions and beliefs, based on conscience,” ani Lacson.

SM food to go Banner Ad

Nakikita rin umano ni Lacson na walang sinoman, maging ang Pangulo ng bansa, na puwedeng makaimpluwensiya sa mga senador sa isyung may kinalaman ang pondo ng gobyerno lalo pa ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa.

Sa kanyang `Talk to the People’ Huwebes ng gabi, sinabihan ni Pangulong Duterte ang mga senador na huwag mag-imbestiga sa mga programa ng ehekutibo na hindi pa natatapos para hindi madiskaril ang pagpapatupad nito.

“Kayong lahat sa Senate — do not investigate programs which are ongoing. You will derail it, you will delay it by your incessant penchant for investigating government offices. Gusto niyo lahat pakialaman na lang,” anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na abala ang mga miyembro ng gabinete sa pagtugon sa problema sa COVID-19 subalit para naman aniyang mga martilyo ang mga senador na pinupukpok ang mga ito sa isyu ng pera.(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.