Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kurash wagi ng 4 medalya

0 44

BUMALIBAG ng apat na medalya kabilang ang tigalawang silver at bronze ang Kurash Philippine team sa unang araw ng kumpetisyon kahapon sa 31st Southeast Asian Games sa Hoai Duc Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Nagbulsa ng silver medal si Helen Aclopen Talongen sa women’s 48kgs category upang higitan ang nakuhang bronze medal noong nagdaang 2019 edisyon sa mixed team event ng Sambo.

Ang dating DLSU judoka at UAAP gold medalist na si Charmea Quelino ang sumungkit ng ikalawang pilak na medalya ng bansa sa women’s 52kgs class.

SM food to go Banner Ad

Naging maganda ang simula ng kampanya ni Quelino nang magkasunod na talunin sina El El Win ng Myanmar via 1-0 at Noelle Roseline Grandjean ng Thailand sa 1-0, subalit, hindi ito pinalad kay Thi Thuyet Han Nguyen ng Vietnam.

Muli namang napantayan ni Renzo Cazenas ang naiuwing bronze medal noong 2019 biennial meet sa mixed team event ng Sambo, kasama si Aclopen, ng makuha nito ang kaparehang medalya sa men’s 81kgs category, habang si George Angelo Baclagan ay nakopo ang isang bronze sa men’s 90kgs. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.