Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kursunada ng marami

0 248

Pumalag ang daan-daang grassroots member ng PDP-Laban Bulacan chapter kaugnay sa naging pagkondena ng ilang miyembro ng partido kay Senador Manny Pacquiao ang party president.

Malaking bagay para kay Sen. Pacquiao ang ipinasang manifesto ng PDP-Laban Bulacan chapter kung na nagpahayag ng kanilang suporta para sa kanyang liderato.

Sa manipesto na nilagdaan ng daan-daang matatagal at card-bearing PDP-Laban Bulacan members, ipinarating nila ang kanilang “all-out support” kay Pacquiao bilang kanilang party president.

“It is extremely reckless for this minority to make wild accusations without having viewed the whole interview of Senator Manny Pacquiao in its entirety. After having viewed the interview in its entirety, it was clear that Senator Pacquiao was even defending the President,” ayon pa sa manipesto ng mayorya.

“We were not invited to any such meeting and no quorum was met for them to allude that the whole chapter is behind their statement. The said meeting was composed mostly of relatively new members who are either politically appointed officials or politicians, not the grassroots members that compose majority of our beloved party,” ayon pa nilalaman ng manipesto ng tunay na pangkalahatang miyembro ng PDP-Laban Bulacan chapter na napasakamay natin.

Ang hakbang ay ginawa ng mayorya ng PDP-Laban Bulacan chapter dahil sa paglutang ng sampung

bagitong kapartido ni Pacman at nagpalabas ng unang manipesto na nagpapahayag ng disgusto kay Pacquiao dahil sa naging pahayag kamakailan ng senador sa West Philippine Sea.

Sa ganang akin, walang isyu kung maglabas sila ng kanilang saloobin dahil karapatan nila ito.

Ang hindi lang magandang tingnan ay tila pinalabas ng maliit na grupo na ang kanilang manipesto ay posisyon ng pangkalahatang PDP-Laban Bulacan chapter.

SM food to go Banner Ad

Hindi po ganun ang isang samahan, hindi puwedeng angkinin ng iilan ang boses ng kabuuang grupo.

Ang matindi ay ginawa pang isyu ng maliit na grupo ang pahayag ni Pacman sa West PH Sea na kontra umano sa posisyon ni Pangulong Duterte gayong malinaw sa kabuuan ng interview ang pagdepensa ng senador sa Pangulo.

Well, sadyang ganyan kung may masamang motibo lahat talaga gagawing negatibo.

Kaya tama lamang na magsalita ang nakararaming miyembro para hindi isipin ng publiko na kayang maniobrahin ng iilan ang ruling party.

Naisip ko lang hindi kaya pakawala ang ilang miyembro ng PDP-Laban para guluhin ang partido?

Pero alam kong hindi kayo makakalusot kay Senator Pacquiao dahil matindi ang kanyang dedikasyon na patatagin at pamunuan ang partido.

Wala pa namang kumpirmasyon ng pagtakbo sa susunod na halalan ay tila may mga sibat nang humaharang kay Pacquiao.

Sa tingin ko kahit anong paninira ang gawin ng ilan sa partido ay hindi ito makakaapekto sa partido dahil mayorya ay suportado ang liderato ni Pacman.

Hindi lang ng nakararami nitong kapartido dahil maingay na rin ang pangalan ni Pacman at kinukursunada ng maging pambato nila sa susunod na halalan, gaya ng erpat ko!

Leave A Reply

Your email address will not be published.