Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuryente may P6 taas-presyo

0 45

Tataas uli ang bayarin sa kuryente ngayong Oktubre ng P6 para sa mga pamilyang umaabot sa 200 kilowatt hour ang konsumo.

Ayon sa Meralco kahapon, tataas ng 2.83 sentimos per kilowatt hour ang singil sa kuryente na aabot na sa P9.1375 per kWh.

Ito na ang pang-anim na buwang sunod-sunod na pagtaas ng singil sa kuryente at marami pang nagbabala na lalo pa itong tataas dahil sa naka-schedule na shutdown ng Malampaya.

Sabi ng Meralco, nagmahal ang transmission charge ng 2.82 sentimos per kWh sa 0.7085 per kWh dahil sa mas mahal na ancillary service charges ngunit bahagya namang bumaba ang generation charge ng P0.0004 per kWh sa P5.0435 mula sa P5.0439.

Nakatulong umano ang Distribution Rate True Up refund na nagkakahalaga ng 27.61 sentimos per kWh na noong Marso 2021 pa pinapatupad. Ang refund na ito ay inutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) at gagawin sa loob ng 24 buwan hanggang sa mabalik na ang P13.9 bilyong sobrang siningil sa mga consumer.

Bumaba ang generation charge ng mga independent power producer ng 5.27 per kWh ngunit wala pa rito ang epekto ng paghihigpit ng supply ng Malampaya na naging dahilan kaya gumamit ng mas mahal na panggatong ang ibang generation company.

Nagmahal naman ang generation charge mula sa mga power supply agreement ng 31.56 per kWh dahil sa mas mahal na panggatong at sa paghina ng piso laban sa dolyar at iba pang pera. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.