Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuryente operator P7K puhunan, bilyonaryo na

0 120

Kabilang ang Department of Energy (DOE) sa tatlong tanggapan ng pamahalaan na tinukoy ni Senador Manny Pacquiao nitong Sabado na mayroon diumanong korapsiyon.

Sa kanyang press conference Sabado ng hapon, binanggit ni Pacquiao ang isang pribadong kompanya na binigyan umano ng kontrata ng DOE para makapasok bilang independent stock market operator subalit hindi aniya dumaan sa bidding.

Tinukoy ng senador ang Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) na itinayo umano sa pamamagitan lamang ng P7,000 puhunan subalit ngayon ay bilyonaryo na.

“Mula sa P7,000 paid-up capital ay naging instant billion company ang IEMOP sa loob lamang po ng isang taon,” ani Pacquiao.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Pacquiao, sa ngayon ay binubuo pa ng kanyang team ang iba pang ebidensiya na magbubunyag ng korapsiyon sa iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Bukod sa DOE ay binanggit ni Pacquiao na mayroon ding korapsiyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Department of Health.

Ginawa ng senador ang pagbubunyag matapos hamunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpakita ng mga ebidensiya hinggil sa kanyang mga alegasyon na talamak pa rin ang korapsiyon sa pamahalaan. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.