Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuryente operator tatalupan sa taas-singil

0 66

Iniimbestigahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dahilan kung bakit malaki umano ang discrepancy o ang pagkakaiba sa preliminary statement ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) at sa final statement nito para sa buwan ng Mayo.

Ang PEMC ang nagpapalakad ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan sumisirit ang presyo ng kuryente sa tuwing may red alert o kulang ang suppy, o yellow alert kung kailan naman manipis ang reserbang kuryente.

Dahil sa pagkakaiba ng preliminary statement, tataas umano ang net settlement surplus (NSS) adjustment na sisingilin ng mga distribution utility at electric cooperative sa mga konsyumer ng 20 sentimo kada kilowatt hour sa Mayo.

Inutusan ng ERC ang PEMC na ipagpaliban muna ang paniningil ng NSS adjustment sa mga distribution utility at electric cooperative para sa buwan ng Mayo dahil sa discrepancy.

Babala ni ERC chair Agnes Devanadera, hihimayin ng komisyon ang pangyayari at pananagutin ang dapat oras na matukoy kung sino ito.

“We will get to the bottom of this and make sure that any erring market participant will get penalized as soon as it is established,” pahayag ni Devanadera kahapon.

Sa NSS adjustment inilalagay ang mga magkakaibang presyo sa kuryente ng generator depende sa lokasyon ng kostumer o ang tinatawag na locational marginal pricing scheme at pinamamahagi sa mga participant ayon sa inaprubahang mekanismo ng ERC.

“We have ordered PEMC to defer the collection of the NSS adjustment until the investigation on the said incident has been completed,” sabi ng ERC sa pahayag kahapon.

“The Commission resolved to defer the collection of the Net Settlement Surplus, which will be an additional charge of around P0.20 per kWh to Meralco customers, to prevent and shield the electricity consumers from a bill shock in their July 2021 electric bills,” sabi ni Devanadera.

Dagdag niya, matindi ang abala sa mga konsyumer ng nangyaring rotational brownout noong Mayo at hindi makatarungang dagdagan pa ang singil sa kanila dahil sa NSS adjustment. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.