Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuryente sa WFH sagutin ng employer

0 261

Plano ni Senador Francis Tolentino na maghain ng isang panukala kung saan magbibigay ng electricity allowance ang mga employer para sa kanilang mga manggagawa na work from home upang mabawasan ang bigat ng bayarin sa kuryente sa panahon ng pandemya.

Sa panukala ni Tolentino, ang mga manggagawa na WFH ay bibigyan ng P1,000 tax deduction kada buwan na maaaring deductive expense sa taxable income ng mga ito.

“Kasi hindi lang naman ganun ang nauubos niya sa pagbabayad ng electric bills niya e. Hindi lang naman P1,000 siguro ang bayad. At `yon naman ay deductible din as a business expense. `Yon, mababawas doon sa buwis na babayaran naman ng kompanya,” sabi ni Tolentino.

Ang mga employer na hindi magbibigay ng insentibo sa kanilang mga WFH employee ay papatawan ng kaukulang multa. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.