Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuryente sisipa sa sirit presyo ng langis

0 107

Pinangangambahang sumipa pa ang singil sa kuryente dahil sa walang tigil na pagtaas sa presyo ng langis.

Lumalabas sa unang dalawang araw ng trading sa world market na lagpas P5 na ang itinaas ng presyo ng imported diesel habang higit P3 naman sa gasolina dahil sa pag-ban ng maraming bansa sa Europe sa Russian oil.

“Tataas nang tataas `yan kasi `di naman natitigil ang Ukraine war and hihilahin lahat ang presyo, lalong-lalo na ang coal dahil nakapaka-dependent natin sa coal,” pahayag ni Power for People Coalition lead convenor Gerry Arances.

SM food to go Banner Ad

“Makikita natin na sa mga susunod na buwan, lalo pang tataas ang presyo ng kuryente sa bansa,” dagdag nito.

Bunsod nito, hiniling ng grupo sa papasok na administrasyong Marcos na rebyuhin ang mga kontrata at tanggalin ang `pass-thru provision’ o pagpapasa ng fuel cost sa mga konsyumer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.