Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuryentipid muna ngayong tag-init

0 213

“Para tayong nasa malaking oven!”

Madalas mo na ba itong marinig ngayon? Hindi naman kataka-taka dahil sa tagaktak na pawis at malagkit na pakiramdam ang pang-araw-araw na kinakaharap ng lahat ngayong patuloy ang pagtaas ng temperatura, na sinabayan din ng pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Epekto nito ang mas mahigpit na pagkwenta sa budget ng bawat pamilya. Gayunman, marami pa ring mga pamamaraan kung paano tayo makababawas sa ating mga gastusin. Isa na rito ay ang paglilimita at pagbabawas ng ating paggamit at pagkonsumo sa kuryente.

Ilan lamang ang mga ito sa mga mabisang paraan na maaring gawin natin sa ating mga tahanan:

KuryenTipid Tip #1: Patayin ang ilaw at bunutin ang appliances pagkatapos gamitin. Makakasiguro ka pa na ligtas ito sa pag-o-overheat na maaaring pagsimulan ng sunog.

SM food to go Banner Ad

#2: Magbukas ng mga bintana upang pumasok ang simoy ng hangin at i-maximize ang liwanag na nagmumula sa araw.

#3: Gumamit ng electric fan sa halip na aircon—‘yun ay kung makakaya naman. Kung hindi talaga maiwasan ay mag-invest na sa mga inverter type na kahit mahal ay hindi naman malakas ang konsumo sa kuryente, o kaya naman ay matulog na nang sama-sama sa iisang kuwarto.

#4: Sa paglalaba, hangga’t maaari ay i-maximize rin ang araw sa pagpapatuyo ng damit sa halip na gumamit pa ng dryer.

Simpleng mga pamamaraan subalit malaki ang pagiging epekto kapag ito’y ating sinimulan. Sabay-sabay tayong magtipid gamit ang mga tips na ito! (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.