Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuryentipid Tips

0 300

Mag-isa lang ako sa bahay kaya masakit sa bulsa ang electric bill ko ngayong Mayo na pumalo sa halos P3,000.

Pero hindi rin naman maitatangging malakas akong kumonsumo ng kuryente ngayong mainit ang panahon. Wala na halos patayan ang aircon at bentilador sa kuwarto para maging presko ang aking pakiramdam.

Sa kasaysayan, normal na tumataas ang power demand tuwing summer season dahil malakas kumonsumo ang mga tao ng cooling system. Ang resulta – mahal na singil sa kuryente.

Mga cooling system gaya ng aircon, bentilador at refrigerator ang mga malalakas kumonsumo ng kuryente.

Dagdag pa sa alalahanin ng Meralco customers ngayon ang pagpuputol sa mga hindi nakabayad ng kuryente nitong mga nakalipas na buwan.

Dahil nasa General Community Quarantine (GCQ) na ang NCR Plus, nagsimula na ring mag-isyu ng disconnection notices ang Meralco sa mga consumer na natambakan ng bayarin nitong nag-lockdown.

Para makamenos sa konsumo, narito ang ilang kuryentipid tips.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ilang eksperto, mainam kung bubunutin sa saksakan ang mga appliance na hindi naman ginagamit.

Ang paglalaba gamit ang washing machine at pamamalantsa, minsanan lang – ipunin ang mga damit para hindi makonsumo sa kuryente.

Mainam din kung bubuksan ang bintana ng bahay para pumasok ang hangin. Sa ganitong paraan, makatitipid sa paggamit ng electric fan at aircon.

Huwag ding buksan nang buksan ang refrigerator at siguruhing lapat ang door seal nito.

Kung hindi gagamitin ang appliances, i-off na lang muna.

Subukan ding gumamit ng mga LED light pati na mga inverter na appliance na mas tipid daw kumonsumo. ‘Yun nga lang, may kamahalan ang mga kasangkapang ito. Para sa iba, ayos lang ‘yan. Malaki naman ang matitipid sa electric consumption.

Importante rin panatilihin ang personal hygiene para laging presko ang pakiramdam. Maligo nang higit sa isang bes kada araw para maaliwalas ang katawan. Magsuot din ng mga maninipis na damit para hindi agad naiinitan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.