Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuta ng NPA inginuso ng sumukong rebelde

0 237

NAREKOBER ng militar ang ilang uri ng matataas na kalibre ng baril mula sa kuta ng mga sumukong NPA members sa Oriental Mindoro.

Nakuha ang mga armas at mga dokumento sa General Nakar, Brgy Lumutan kasunod ng pagbubunyag ng dating rebelde sa kanilang kuta.

Ang nasabing dating NPA member ay miyembro ng grupo ni Alyas Luis ng STRP KLG Cesar.

Sinabi naman ni BGen Alex Rillera, Commander ng 202nd Brigade na ang patuloy na pagsuko ng mga NPA at pagkakadiskubre sa kanilang mga kuta at taguan ng mga armas ang nagsisimbolo ng pagbagsak ng komunismo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.