Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuta ni Voltes V pinasilip

0 344

Pinasilip ni direk Mark Reyes ang isa sa mga parte ng set para sa inaabangang live adaptation ng Voltes V ng GMA 7.

Sa kanyang Instagram post, pinakita ni Reyes ang isang black and white na larawan .Nasa likod niya ang naglalakihang mga bintana na tila ba siya ay nasa loob ng isang high-tech na kuta, gaya ng mga nakikita sa mga banyagang palabas.

“A lot have been asking me for an update regarding Voltes V. So here’s an official sneak peek from the set of Camp Big Falcon. Production will start soon,” saad sa caption sa post ni Reyes.

Matatandaang noong Enero ay nilabas ang teaser para sa TV adaptation na sa kasalukuyan ay mahigit 1.2 M views sa YouTube.

Ilan sa mga artistang gaganap sa TV series ay sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores at Matt Lozano. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.