Abante Tonite Interactive

Kuthaisong, Ceballos, Generika hihirit pa 

By
0 139
Mga laro ngayon:

(FilOil Flying V Centre)
2:00pm – Generika-Ayala vs PLDT
4:15pm – Petron vs Foton Tornadoes
7:00pm – Cignal vs Sta. Lucia

Siguradong tatrangka sina Thai import Kanjana Kuthaisong at local Fiola Ceballos sa Generika-Ayala na duplikahin ang nasilong panalo sa kanilang huling laro sa first round pagharap mamaya sa PLDT Home Fibr sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix elims.
Tangan ang 1-6 karta, sisi­mulan ng Lifesavers ang second round assignment kontra PLDT (3-4) sa alas-dos ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Hilahod sa unang anim na laro, naihabol ng G-A ang panalo bago natapos ang first round nang pagulungin ang Foton, 25-21, 25-22, 19-25, 20-25, 15-11 noong Huwebes.
Muntik pang mapurnada ang Lifesavers, nakauna ng dalawang sets pero nakahirit ang Tornadoes ng deciding fifth set dahil yumuko pa ang una sa third at fourth frames.
Inakbayan nina Kuthaisong at Ceballos ang G-A upang makuha ang importanteng panalo sa event na inisponsoran ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.
Nagtala si Kuthaisong ng 25 points kasama ang 15 digs at 10 excellent receptions habang nag-ambag si Ceballos ng 20 puntos mula sa 17 spikes, dalawang service aces at isang block.
Magtatapat naman sa pa­ngalawang laro ang defending champion Pet­ron (7-0) at Foton (1-6) sa alas-4:15 ng hapon habang kita-kits sa alas-siyete ng gabi ang Cignal (4-3) at Sta. Lucia (2-5).