Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kutsara nilaro sa kuryente, 2-anyos todas

0 63

Patay ang 2-anyos na batang lalaki nang makuryente sa kutsarang isinaksak sa isang extension cord sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City.

Naitakbo pa ang batang si Jake Angara ng kanyang ina na si Eloisa sa ospital pero binawian din ito ng buhay.

Kwento ni Aling Eloisa, nangyari ang insidente noong Biyernes, Pebrero 19, 2021 matapos na humingi ng gatas ang kanyang anak kaya agad niya itong tinimplahan.

Ilang minuto lang ay may marinig siyang malakas na putok at nang puntahan ay nakuryente na ang anak.

SM food to go Banner Ad

“Noong bubuksan ko na ang pintuan may pumutok. Kinabahan ako, pero akala ko may nalaglag lang or what. Napasigaw ang asawa ko, ang sabi niya lang, si Jake na-ground,” salaysay ni Eloisa sa isang panayam.

Nitong Pebrero 7 ay masaya pang ipinagdiwang ng bata ang ika-2 nitong kaarawan.

Puno naman ng pagsisisi ang ina ng nasawing bata, kasabay ng panawagan ng tulong pinansiyal para sa pagpapalibing ng anak.
“Sana hindi ko na lang siya iniwan, sana hinawakan ko na lang siya,” umiiyak na pahayag ng ginang. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.